Happiness is not a state to arrive at, but a manner of traveling - Margaret Lee Runbeck
Pages
▼
Friday, December 27, 2013
Bakit Sumisigaw ang Taong Galit?
BAKIT SUMISIGAW ANG TAONG GALIT?
Ito ang usapan ng isang mag-ama habang nakatingin sa larawan na to:
Tatay: Anak alam mo ba kung bakit nagsisigawan ang taong galit kahit magkaharap sila?
Anak: Kasi highblood na po sila
Tatay: Ano pa?
Anak: Kasi nga po galit sila
Tatay: (napangiti sa anak, at sabi nya) Nagsisigawan ang dalawang tao kapag galit kahit magkaharap pa ang mga yan, dahil malayong malayo na ang puso nila sa isat-isa. Malayong-malayo , na pakiramdam nila, hindi ito maririnig ng isat-isa kung hindi nila isisigaw.
Napapansin mo ba ang dalawang magkasintahan pag nag-usap? malumanay lang at mahina, dinig na nila isat-isa... Bakit? Dahil magkalapit ang kanilang puso.
Yung mga bagong kasal, kahit bulungan lang, dinig na dinig nila... Minsan nga titigan lang, nauunawaan na nila isat-isa. Kasi magkadikit ang kanilang mga puso.
Kaya ikaw anak pagdating ng panahon na galit ka lalo sa iyong asawa o kapamilya, makipag-usap ng maayos at masinsinan... Iwasan mong sumigaw, dahil baka dimo mamalayan, sa kasisigaw mo, masyado nang lumayo ang puso nyo sa isat-isa na baka dumating pa ang panahong gusto mong lumapit, pero dimo na sya makita pa....
...nabasa ko lang po sa FB..:) #reblogged...
now playing: ready to fall - joey fatone - ♩♪♫ And I'm ready to fall in love tonight Ready to hold my heart open wide I can't promise forever but baby, I'll try Yes, I'm ready to fall in love tonight...♩♪♫
No comments:
Post a Comment